Wednesday, February 11, 2015

Posted by xtopherdelax |

MGA TAUHAN:

Sonny Boy Cruz, 49 taong gulang, Pangulo ng Pilipinas 

General Mateo Guinigundo, 62 taong gulang, Secretary ng Department of Defense 

Max Rosario, 48 taong gulang, Executive Secretary 

Christopher Moderno, 50 taong gulang, Secretary ng Department of Foreign Affairs 

General Miguel Meraño IV, 45 taong gulang, AFP Chief of Staff, tahimik at matikas kumilos 

Jollypitt Musngi, 32 taong gulang, image consultant, may pagkamahinhin 

Jonathan Santos, 27 taong gulang, IT Expert




TAGPUAN:
Sa Yellow Room, isang tagong kwarto sa Malacañang kung saan pinupulong ng Pangulo ang ilang tao tungkol sa maseselang isyu ng lipunan. Sa pagkakataong ito, mainit ang pag-uusap ng mga tauhan dahil kailangan ang mabilisan subali't maingat na desisyon ng pamahalaan tungkol sa nangyayaring sigalot sa Isla Waka Waka.

Isang mahabang mesa ang nasa gitna ng entablado. Nakaupo sa gitna ang Pangulo, katabi sa kanan ang Executive Secretary na si Max Rosario, sa kaliwa naman si Jollypitt Musngi, image consultant ng Pangulo at nakapalibot ang iba pang tauhan maliban kay Jonathan Santos na paikut-ikot lang sa silid, hawak ang isang iPad.


(Seryosong nakikinig ang lahat kay Sonny Boy bilang panimula ng pagpupulong. Hawak niya ang ballpen na paminsan ay sinusubo kapag hindi nagsusulat sa papel na nasa harap niya. May laptop sa harap ni Max, may hawak namang cellphone si Jollypitt at ang iba ay lapis at papel lang ang nasa harapan.)


SONNY
Okay, gentlemen. I think we should start. This is a clear and present danger at kailangan ko ng buong tiwala niyo. Kaya bago ang lahat... let's see. (Titingin siya sa papel sa kanyang harapan.) My Executive Secretary, Max?

MAX
Present.

SONNY (magsusulat sa papel)
Secretary of Defense, General Guinigundo. Nandito na ba si lolo? (Mauubo si Mateo.) General Mateo Guinigundo?

MATEO
Sonny. I’m sorry. Mr. President.

SONNY
DFA Secretary, Mr. Moderno?

CHRISTOPHER
Here.

MATEO
Mr. President, I don't think we need this. Nandito naman na ata lahat ng kailangan para sa meeting. Kailangan na nating umaksyon sa lalong madaling panahon.

SONNY
With all due respect, General. Kayo ba ang executive secretary?

MATEO
I’m the Defense Secretary. Kasasabi mo lang.

SONNY
I know, General Guinigundo. I repeat. Are you my executive secretary? Paano mo nalaman kung nandito na lahat ng nasa listahan ko?

MATEO
Nandito na kami at may iba pang ekstrang hindi ko alam kung bakit nandito. (Ituturo si Jonathan.) What the hell is that boy here for?

SONNY
Huwag niyong maliitin si Jonathan. Sa palagay ko, alam ng lahat kung bakit nandito ang mga nandito maliban sa inyo, General Guinigundo.

MATEO
Of course I have to be here.

SONNY
Ibig kong sabihin, maliban sa inyo, alam ng lahat ang importansya ng bawat isang nandito.

MATEO
Pero iilan lang tayo, bakit magche-check ka pa ng attendance?

SONNY
I'm sorry but since we need to make an important decision, kailangan nating maging maingat at kailangan kong malaman isa-isa, na lahat-lahat ng nandito ay tama, wasto, matuwid. Nilagay ko kayo sa puwesto dahil naniniwala akong lahat kayo ay sang-ayon sa minimithi kong tuwid na daan tungo sa pagbabago.

MATEO
I got your point. Please proceed, Mr. President. Sorry to interrupt you.

SONNY
Well, that's disappointing. Naaantala ako. (Patlang.) General Meraño... I'm sorry. General Miguel Meraño IV.

MIGUEL
Sir! Present, Sir!

SONNY
That's the spirit. Buhay na buhay. ‘Yan ang kailangan natin para sa agarang aksyon. Maliksing sumagot. Gustung-gusto kong binibigkas ang buong pangalan mo, General Meraño. Hindi ko alam kung natanong ko na sa'yo—of course your father is General Miguel Meraño III, am I right?

MIGUEL
Sir, yes, sir! Natanong niyo na po nung in-appoint niyo ko as AFP Chief.

SONNY
Of course. Teka ha, hindi ako nagiging malilimutin. I just want to clarify things. Lahat ng bagay kailangan klaro. Paano tayo makararating sa dapat nating puntahan kung malabo ang tingin natin, kung may mga nakakaligtaan tayo? General Guinigundo, I hope this won't offend you pero hindi ka pa naman nagkakaroon ng senior moment?

MATEO
Senior moment?

MAX
Symptoms ng Alzheimer's, General. (Bahagyang lalakasan ang boses.) Kung nagiging makakalimutin na ho ba kayo.

MATEO
Hindi pa naman ako nabibingi.

SONNY (matatawa)
Alzheimer's Disease, General Guinigundo. Jonathan, paki-Google mo nga tapos pabasa mo sa kanya.

MATEO
Sonny Boy... Mr. President, of course I know what Alzheimer's Disease is. Sinasabi ko lang na hindi pa ako nabibingi. Hindi mo kailangang lakasan ang boses mo.

SONNY
That was Max. Max, huwag mo raw pagtaasan ng boses si General Guinigundo. (Sarkastiko.) Let’s respect each other, especially the elderly. Okay. (Patlang.) Pero buti na ring mabasa niyo para alam niyo rin kung paano maiiwasan ang Alzheimer’s. Kailangan pa naman kita sa administrasyon ko. (Patlang.) Let's proceed. General Meraño . . . Jollypitt. Gentlemen, of course you know Jo and Jonathan, my Image Consultant and our IT expert, respectively. Jonathan?

JONATHAN (habang may pinapakita sa iPad kay Mateo):
Here, Sir.

MATEO
You knew the guy is here. Bakit tinatawag mo pa?

SONNY
Again, General, kailangan nating malaman lahat. Maging maingat. Well, let's begin.

MATEO
One moment, Sir. Hindi pa po tapos basahin ni General Guinigundo ‘yung article ng Wiki sa Alzheimer's.

SONNY
Okay. Let's wait for General Guinigundo.

MATEO
No need. Hahanapin ko na lang sa encyclopedia sa bahay. Pwede na tayong magsimula.

SONNY
Are you sure, General?

MATEO
Nakausap ko ang isa sa mga sundalo natin sa Isla Waka Waka. Ayaw pumayag ng mga Intsik sa bargain natin.

(Mauupo si Jonathan sa isang bakanteng silya.)

SONNY
Ano ba ang napag-usapan natin?

MAX
Nagdemand tayong alisin ng China ang vessels nila sa palibot ng isla. Pero nang tumapak ang mga sundalo natin dun, hinostage sila at ang China ngayon ang nagdedemand.

MATEO
Hinihingi ng mga Intsik na—

SONNY
Teka. Linawin lang natin para na rin sa ikaaayos ng ating pakikipagdayalogo. Jonathan, take note of this at pakitsek mo mamaya. Chinese is English, tama? Ayaw kong mao-offend ang mga kalaban nating Chinese. And besides, marami tayong kababayang may lahing Chinese. Rizal is half-Chinese, my mother is—

MATEO
Twenty-five percent Chinese lang si Rizal.

SONNY
My point is, General, sinabi mo kanina ang salitang intsik. That’s racist. That's not how we call those yellow people. Chinese. Tsino. I don't know if we refer to their women as Tsina sa Tagalog. Pero hangga't maaari, iwasan natin ang pagbanggit ng intsik. Narinig kong offensive daw 'yun. Jonathan, search mo rin para ma-double check. Maganda na rin 'yung nag-iingat tayo. Mr. Moderno, anong palagay mo rito?

CHRISTOPHER
Tama kayo, Mr. President. Medyo offensive nga para sa ilan ang matawag na Intsik.

MATEO
Dito sa atin. Cultural naman ‘yan. Kaya naging offensive sa mga Chinese na nandito sa’tin, it reminds them of the oppression by the Spaniards noong panahon ng Kastila.

CHRISTOPHER
That’s why we cannot call them intsik. Wala na tayo sa Spanish Era.

SONNY
See? Paano tayo lalaban nang patas kung mamaliitin natin ang kalaban sa pagtawag sa kanila sa maling terminolohiya? Now, let's continue. Mr. Moderno, kumusta ang usapan niyo ni Ambassador Uy?

CHRISTOPHER
Bumaligtad na po si Amba, Sir.

SONNY
What? Ang hitong ‘yun. Ano’ng nangyari?

CHRISTOPHER
Kumampi po siya sa China. Since half-Chinese siya, mas pinili niya ang lahi ng tatay niya.

SONNY
Ano ba ang lahi ng nanay niya?

CHRISTOPHER
Half-Chinese din po si Mrs. Rebecca Tan. Actually, kwestiyonable pa rin kung may dugong Pilipino talaga si Mrs. Tan. Nag-research kami at nalamang iligal ang pagpunta niya rito sa Pilipinas. Another thing, Mr. President. Kasama siyang nagsusunog ng bandila ng Pilipinas doon sa embassy natin sa Beijing.

SONNY
How could they burn our flag?! Made in China ‘yun!

MATEO
Hindi na siguro importante 'yan. Mr. President. Gaya ng sinasabi ko kanina, nakausap ko ang isa sa mga sundalo natin through our negotiator. Pinalilibutan sila ng mga “Chinese” sa isla. Wala tayong laban. We need to ask the Chinese government to free our soldiers or else, we will have to do a rescue operation.

SONNY
Magiging opensiba o depensiba ba ang rescue operation na 'yan? Kailangan malinaw, General.

CHRISTOPHER
I agree with you, Mr. President. Every step we make has to be clear. Sa Chapter 1 ng Art of War ni Sun Tzu, tinatalakay ang pagpaplano. Detailed assessment and planning.

SONNY
That's it. Kita niyo? We need to plan carefully. Lahat ng aksyon natin. Magandang libro 'yan a. Sino uli ang author? Jonatahan, ipag-download mo nga ako sa Kindle niyan.

JONATHAN
I have a copy here on my iPad, Sir.

SONNY
Excellent. Send as attachment kay Abby para makwento niya sa'kin.

JONATHAN
Ida-download ko na lang po sa iPad niyo.

MATEO
Bakit pababasa mo pa sa sekretarya mo? Sonny, I guess we don't have enough time for that. We have gathered all our intelligence. Alam na rin natin ang terrains ng Isla Waka Waka.

JONATHAN
Permission to speak, Sir! Nabasa ko na rin po ang Art of War. Pagkakatanda ko, mahalaga ang decision-making. Decision, whether the decision leads to victory or loss, should be made as early as possible. Siyempre kailangan ng maingat na analysis pero hangga’t wala kang ginagawa, walang mangyayari, makakausad ang kalaban habang tayo, nganga lang. Do you remember ‘yung sa video game na Dishonored?

SONNY
Well, of course. I love Dishonored!

JONATHAN
Every action, may reaction, may consequence. Isang mapatay mong sundalo, kahit gaano pa karami, it would matter to the future of the kingdom.

SONNY
Ganun nga ang nangyari sa’kin. Akala ko basta kapag pinatay mo ang mga kalaban, okay na, panalo ka na. Pero hindi pala. It really matters to the world of that video game. That’s it! Kita niyo na? Well, very well. That’s brilliant. Salamat, Jonathan. Sabi ko na. Kita niyo? Tama akong isama si Jonathan sa meeting na ‘to. We need more minds like his. Fresh ideas.

JONATHAN
Thank you, Mr. President.

MATEO
And what do you suggest, Jonathan?

SONNY
O, maryosep naman. He just gave the most brilliant suggestion. If I may, General, ano bang video game ang nalalaro mo?

MATEO
Pardon, Mr. President?

SONNY
Let me paraphrase. Rephrase if you will. Check mo rin, Jonathan kung alin nga ba ang mas dapat, Rephrase o paraphrase. Nakakahiya kapag mali ang masabi ko sa harap ng mga tao. Gaya nung isang araw, yung speech ko sa Mindoro. Nakakahiya ang nangyari, hindi ba, Jo?

JOLLYPIT
Pinagpipiyestahan pa nga rin po ng media at netizens.

SONNY
How could they do that? The press used to love me. Sila ang dahilan kung bakit naluklok ako rito. Ano bang magagawa natin diyan? San nga ba ko nagkamali, sa paglingon ko mula kaliwa pakanan o sa pagkindat?

JOLLYPIT
Sa pag-pronounce. Because of that, naungusan po kayo ni Vice sa SWS popularity survey. You’re 40 percent behind him.

SONNY
At ilang percent ako?

JOLLYPIT
28 percent, Sir.

SONNY
Masama ito. Isa lang ang ibig sabihin niyan: 68 percent ang nakuha ni Vice. Tama ba, Jonathan?

JOLLYPIT
100 percent correct, sir. Wala naman pong dudang mas lamang kayo sa kanya sa arithmetic.

JONATHAN
At sa kulay.

SONNY
Nevertheless, nakalalamang siya sa popularidad. Ano nga ba ang sinabi kong salita nun?

JOLLYPIT
Asal, Sir.

SONNY
Asal. A-S-A-L. It reminds me of inasal. Asal.

MAX
Aaaaasaaaaal.

SONNY
Asal.

JONATHAN
Asal. Aaaaasaaaaal.

SONNY
Asal. General Meraño?

MIGUEL
Sir. Aaaaasaaaaal, Sir!

SONNY
Mr. Moderno? A. . .

CHRISTOPHER
Aaaaasaaaaal.

SONNY
General Guinigundo, please help me with this.

MATEO
Ano?

SONNY
Asal.

MATEO
Aaaaasaaaaal.

SONNY
Thank you, gentlemen. Nakuha ko na. Dapat pala mabagal lang. Aaaaasaaaaal.

MAX
That's better.

SONNY
Ginutom ako run a. Mabalik tayo. General Guinigundo?

MATEO
Aaaaasaaaaal.

SONNY
Please, General. As Defense Secretary, kailangang-kailangan ang presence of mind. Sinusubukan ko lang kung malilito ka. Parang kung ito ang target, nawala ka na nang dahil dun. I hope it's just a mild case of distraction or else you'll lead us to destruction. Wow, I like that. Jollypitt, paalala mo sa'kin ‘yun at kung paano ko magagamit.

JOLLYPITT
Yes, Sir. Distraction. Destruction. Gawan ko rin po ng Twit sa account niyo.

SONNY
Sige. Salamat, Jo. Nasaan na tayo? Yes, Dishonored. General Guinigundo, anong video o kahit hindi video na mga laro ang nilalaro mo?

JOLLYPITT
Sir, we can improve that sentence. Anong video games o kahit anong libangan ang nilalaro niyo?

SONNY
Ayos lang ba ang libangan? Medyo alangan ako run. Kasi kahit ano naman, pwedeng libangan kahit hindi ito isang laro. Halimbawa, nalilibang ako kapag hindi na ako nag-iisip. Napapahinga ang utak ko at the same time, nalilibang ako.

JONATHAN
Sir, sabi niyo napapahinga ang utak niyo pag naglalaro kayo ng video games.

SONNY
Yes, that's my coping mechanism sa stress.

MAX
Teka lang. Gaya ng napag-usapan kanina, kailangang linawin natin. Sa Cebuano kasi, ang ibig sabihin ng libang ay tumatae.

(Matatawa ang lahat pwera kina Miguel at Mateo.)

SONNY
That’s so funny. Well, especially pag tumatae ako, nalilibang ako.

JOLLYPIT
Sir, Tagalog naman ang context ng usapan. Kahit kung magbibigay kayo ng speech, sa Tagalog naman maiintindihan ang salita.

SONNY
Okay, sige, I accept that word at gusto ko ‘yung pagkakaroon nito ng ibang kahulugan. Salamat, Max and Jo. General?

MATEO
If I may, Jollibeet—

JOLLYPITT
Jollypitt po, Sir.

MATEO
Matanong ko lang. Are you an English major?

JOLLYPITT
My undergrad course was Microbiology and my Masteral is Arts Studies. I’ve got six units of translation, a unit in psychology with a thesis in phrenology and behavioral psychology, and, with my background in Humanities, I know a lot of things about gestures, costume design, speech writing, media relations, and almost everything an Image Consultant needs to know.

MATEO
How ostentatious!

SONNY
That’s enough. General Guinigundo, I was asking you a question.

MATEO
Hindi ako naglalaro ng video games. Wala akong panahon para sa mga 'yan.

SONNY
Seryoso ka ba, General? Kahit Super Mario noon?

MATEO
Hindi ko na naabutan 'yun, at isa pa, madalas ako noon sa gitna ng labanan. Naaalala ko nung dumating sina General MacArthur—

SONNY
Sorry, General, I have to cut you there. General Meraño, kanina ka pa ata walang kibo?

MIGUEL
Inaabangan ko rin ang sagot ni General Guinigundo.

SONNY
Sumagot na siya. General, do you mean, wala kang nilaro kahit ano?

MATEO
Ahedres lang at Games of the General ang nalaro ko.

SONNY
'Yan ang hirap, General. Ahedres? Games of the General? Hindi nangyayari sa tunay na buhay 'yun. Marami na pala kayong namimiss. Kung makita niyo lang ang graphics ng Dishonored. Kahit nga 'yung Call of Duty. Ayun. Christopher, ano nga ba 'yung pamagat ng librong binanggit mo kanina?

CHRISTOPHER
Art of War by Sun Tzu.

SONNY
Sun Tzu. S-U-N?

CHRISTOPHER
S-U-N T-Z-U.

SONNY
Take note of that, Jonathan.

JONATHAN
Opo, Sir. May kopya po ako sa iPad.

SONNY
Sabi mo nga kanina.

CHRISTOPHER
Mr. President, counted ba ang Candy Crush Saga at Empires and Allies?

SONNY
Of course. Especially Empires and Allies. See, General Guinigundo? Even Mr. Moderno is aware of gaming.

MATEO
All right, magpapaturo ako sa apo ko. Pwede na ba tayong magpatuloy?

SONNY
Too late.

CHRISTOPHER
May Facebook pala kayo, hindi kayo nagsasabi.

MATEO
Facebook?

JONATHAN
You need to have a Facebook account para makapaglaro ng Empires and Allies, Sir.

MATEO
Ang kumplikado pala niyan.

SONNY
All right, mabalik tayo. Napakahalaga nito, ano. Nasa hukay ang isang paa ng mga sundalo natin sa Waka Waka, and we are at the blink of war.

JOLLYPITT
Sir, kailangan pong ayusin 'yun.

MATEO
Not again.

SONNY
Titingala ba dapat ako pag sinasabi ko 'yun?

JOLLYPITT
Grammar and syntax, Sir.

SONNY
Okay. Wala tayong oras para ayusin 'yan ngayon. Thank you for reminding me, Jo. Ibahin ko na lang. Teka.

MATEO
We are on the brink of war.

SONNY
Tama, General. ‘Yun nga pala ‘yun. Ayan, pinapawisan na ang kili-kili ko.

JOLLYPITT
Sir, kailangan niyo pong magpalit ng barong bago humarap sa press mamaya.

SONNY
Problema talaga 'to. Kung hindi noo, kili-kili.

JOLLYPITT
Titingnan nila ‘yan bilang sign of weakness.

MATEO
Noong panahon namin, nakikipaglaban kami, pawisan, basang-basa ang aming mga kili-kili, basang-basa pati mga singit namin. Naliligo kami sa pawis at ang pawis ang senyales ng aming katapangan.

SONNY
General Meraño, do you agree with General Guinigundo?

MIGUEL
In combat and in training, Sir. Common sense po na papawisan talaga kami at walang pagkakataon para magpunas. Kailangan naming umaksyon agad.

SONNY
Yes, I see. Parang mga characters sa game na Modern Warfare, Dead Space 2, Condemned. Galing. Very detailed pati dugo at pawis, minsan tumatalsik pa sa screen. Nangangati ang kamay ko, gusto ko nang maglaro. Pero nasa combat ‘yun. Ako nasa airconditioned room na puno ng media at panonoorin ako ng buong bansa. Baka nga nandiyan pa ang BBC, CNN, Bloomberg. Nakakahiya.

JOLLYPITT
Sir, nakausap ko na po si Dra. Vicky Belo, pwede na tayong magpa-schedule ng surgery para sa sweat glands niyo sa kili-kili anytime.

SONNY
Tingnan natin kung maisingit natin mamaya bago ang presscon. Or after. Pero sana nga bago ang presscon ano? Nakakahiya sa buong mundo kung makikitang ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, magsasalita sa bilyong manonood sa telebisyon, idinedeklara ang pagsulong ng pagtatanggol ng pamahalaan sa teritoryong pagmamay-ari ng malayang Pilipinas.

(May tutunog na ring ng cellphone. Kukunin ni Jonathan ang iPhone sa kanyang bulsa.)


JONATHAN (sa iPhone)
Oh, Priscilla . . . Yes . . . yes . . . Nasa meeting kami . . . Siya nga ang nagpe-preside . . . Sige, send mo lang email mo . . . Salamat . . . Sige, sasabihin ko.

MATEO (habang abala si Jonathan sa kausap sa cellphone)
Well, I guess you’ve made a decision, Mr. President.

SONNY
Yes, General. Kailangang mawala silang lahat.

MATEO
So, ihahanda ko na ang mga bata? I think the marines are more capable of—

SONNY
Ano yun, General? I did not say anything about an attack.

MATEO
Kasasabi mo lang na idedeklara mo ang pagsulong ng pagtatanggol ng pamahalaan sa teritoryong pagmamay-ari ng malayang Pilipinas.

SONNY
And I was saying na kailangang mawala lahat ng sweat glands sa kili-kili ko.

JONATHAN
Sorry, I didn’t get that. Sir, that was Priscilla. Tinatanong kung—(titingin sa mga kasama sa loob ng kwarto.) Tinatanong niya kung tuloy daw po ang interview meeting ninyo mamayang gabi.

SONNY
Priscilla?

JONATHAN
Sandali, Sir. (May ipapakita mula sa iPad.) Do you remember her?

SONNY
Ah, oo nga pala. ‘Di ba siya ‘yung nakilala natin nung isang linggo? ‘Yung malaki ang hinaharap?

JONATHAN
Yes, Sir. Tigasing babaeng napakahusay sa Resident Evil at Grand Theft Auto.

MAX
Siya nga? Priscilla pala pangalan niya. Nasa Facebook mo ba siya, Jonathan?

(Uubo si Miguel na parang naiinip.)

SONNY
Naka-add na agad nung oras na nakita namin sa Timezone sa Eastwood.
(Tatawa). Mabilis magtrabaho ‘tong batang ‘to.

MAX
I-suggest friend mo nga sa FB ko.

CHRISTOPHER
Oy, huwag niyo kong kalimutan diyan. Patingin nga ng pic, Jonathan.

JONATHAN (lalapit kay Christopher)
Eto, Sir. Ganda ‘di ba?

MATEO
My goodness! My fucking goddamned goodness! We are in the middle of a very important meeting. Mga bastos kayo. Binabastos niyo ang sovereignty. Para kayong mga Intsik na niluluraan at sinusunog ang bandila ng Pilipinas. Our soldiers are in danger, captured by the Chinese in fucking Waka Waka and you are talking about some fucking bitch?!

JONATHAN (mapapaupo)
Sorry, Sir.

SONNY
General Guinigundo!

MATEO
Stop that! Stop playing games. We are at war. We are fucking at war.

SONNY
General, please. Humihahon kayo. That’s the problem with you. You are not with us. You are not cooperating. At sinabi ko na kaninang maging maingat sa paggamit ng intsik. If it wasn't for my mother, I would not have appointed you. Did you put me in the office? No. Mga tao ang naghalal sa akin dito. Sila ang boss ko. Wala kayong karapatang sabihin kung ano ang dapat kong gawin. I appointed you and that does not give you the right to dictate what I should do. At wala kayong karapatang magmura-mura dito sa Yellow Room. This secret room is as sacred as the constitution of the Republic of the Philippines. Kayo ang sumisira sa sacredness ng bawa’t boto, ng silid na ito, ng panguluhan.

MATEO
I’m sorry, Mr. President. I just couldn’t take it anymore.

SONNY
You are so selfish, General. Wala tayong patutunguhan kung sarili lang natin ang iniisip natin.

MATEO
I’m so sorry, Sonny. Mr. President.

SONNY
I cannot tolerate such immorality. Nakasusulasok makarinig ng mura.

MATEO
Pasensya na. Matanda na nga ako. I guess this is not a country for old men.

SONNY
Huwag niyong ikumpara sarili niyo kay Clint Eastwood.

MATEO
What?

SONNY
White guy, western elitism. Napakaelitista ninyo. (Patlang.) Okay. Let’s go back to business. General Meraño, hindi ba’t nagpadala tayo ng spies sa Isla Waka Waka?

MIGUEL
Affirmative, Sir.

SONNY
Nasaan sila ngayon?

MIGUEL
We gave directives to spy on the island. That was two months ago.

SONNY
Ano’ng nangyari sa kanila?

MIGUEL
Kasama sila sa mga nanghostage sa mga sundalo natin, Sir. Ostensibly, they sympathized with China. Lumabas sa findings namin na Chinese din pala sila.

SONNY
What? Bakit puro Chinese ang sundalo natin?

MIGUEL
Not all of them, Sir, just some of our men in the intelligence division. In my analysis, mukhang matagal na nilang naplano ‘to. Years ago, they sent some of their men to apply in our schools. Nag-aral sila ng English at nagpakabihasa sa Tagalog, tumira nang matagal dito, nameke ng mga papeles at nag-apply sa AFP. The Armed Forces hired them because we needed men who could understand Chinese.

SONNY
At walang nakaalam kung ano ang background nila? Ni hindi napansing naniningkit ang mga mata nila? General Guinigundo, you were in the ranks back then.

MATEO
I was not aware—

SONNY
Everybody was not aware. Talamak na talamak ang kurapsyon ng nakaraang administrasyon. And nobody knows anything. Nagbubulag-bulagan hanggang ngayon. Palibhasa, lahat nabayaran ng administrasyon bago ako. Kasalanan nila kung bakit lumaki ang ulo ng mga Chinese dahil sa maanomalyang transaksyon sa mga negosyante sa China. Max, tumawag ka mamaya sa DOJ, sabihin mong bilisan ang pagdedesisyon sa kaso ng mga Agoyo sa Chinchintabiru Deal.

CHRISTOPHER
Sir, isama na natin ang isyu tungkol sa Tauwaya Island. Pinaniwala ni Mrs. Agoyo ang Sultan ng Sulu na kanila ang Tauwaya kaya inaangkin nila ngayon.

SONNY
Ano? Hindi ko alam ‘yan.

MAX
President Marcos crowned the Sultanate of Sulu and declared Tauwaya as their territory pero nanatili roon ang Malaysians. Nagbayad sila ng lease. That’s included in the MAPHILINDO. In the 2010 elections, isinama ni Mrs. Agoyo ang Sultan sa kanyang senatorial slate para makakuha ng boto ang partido nila sa Mindanao.

SONNY
I know that. Ang hindi ko alam, ‘yung tungkol sa ginagawa ng Sultan ngayon.

MATEO
Hindi ka ba nanonood ng balita?

SONNY
Hindi ko trabaho ‘yun. Anyway, ano na bang nangyari dun, Max?

MAX
Secretary Lamyerda took care of it.

SONNY
Mabuti naman.

(Magriring ang cellphone ni Mateo.)

MATEO (sa cellphone)
Hello? . . . Speaking… What? . . . Sige, tatawagan kita uli. (Ibababa ang cellphone.) Mr. President, naglabas ng statement ang Chinese soldiers. Papatayin daw nila ang dalawa sa mga sundalo natin kung hindi tayo susunod sa demands nila within twelve hours.

MIGUEL (mapapatayo at mapapatingin sa kanya si Mateo)
My men!

SONNY
Ano bang demands nila? General Mera
ño, kalma lang.

(Mauupo si Miguel.)

MATEO
Gusto nilang paalisin natin ang American vessels na nasa teritoryo ng PIlipinas.

SONNY
Ano? May mga US vessels bang nakapaligid sa’tin?

MAX
Yes, Sir. You signed a deal with them two years ago.

SONNY
Paano kung paalisin natin ang US vessels?

CHRISTOPHER
Mawawala ang tiwala ng US sa’tin, sasabihin nilang uto-uto tayo sa China at kaya tayong ma-bully.

SONNY
Hindi tayo tuta. Pwes, hindi tayo susunod sa gusto ng China.

MATEO
But what will happen to our soldiers? We need to rescue them.

SONNY
Dalawa lang sila kumpara sa milyon-milyong Pilipinong nangangailangan ng mahahaing pagkain sa hapag-kainan sa araw-araw. Resolbahin natin ang mga mas malalaking problema ng bansa.

JOLLYPITT
Sir, we need to have issues like the RH Bill again. Mas magandang kalaban ang simbahan ngayon, mas maraming naniniwala sa administration niyo. Kung mapatay ang mga sundalo sa Isla Waka Waka, kailangang mapalitan agad ng isa ring malaking isyu o mas malaki pa.

MATEO
Hindi pwedeng ganun. Para saan pa ang meeting na ito?

SONNY
Tama ka, Jollypitt. We need a spectacle to distract the people. Unahan na rin natin ang mga kritiko. Now, General Meraño, ilan ang sundalo natin sa Waka Waka? Mga bagitong sundalo lang ba ‘yun? Mapagtatakpan ba natin ito?

MIGUEL
Around fifty privates and two generals, Sir. Mga nakasama ko sila sa Mindanao.

JONATHAN
Remember the Call of Duty, Sir.

SONNY
Yes. Sa Call of Duty, may trayduran pero napagtatakpan. We have to be strong at ma-detach muna tayo at huwag isipin ang ating damdamin. We need to cover this up. Hindi natin kayang makipagbanggaan ngayon sa China at lalong hindi natin kayang banggain ang Amerika. Naiipit tayo sa dalawang nag-uumpugang malalaking pader.

MATEO
Our duty is to serve the people of this country.

SONNY
That’s why we are here, General.

MATEO
I don’t get you. I don’t get this. I am resigning as Defense Secretary.

MAX
Bakit naman, General? Ngayon ka namin kailangan. Kailangan ka rin ng mga sundalo. Mede-destabilize ang militar kung magbibitiw kayo.

SONNY
General, malaki ang utang na loob ng aming pamilya sa’yo. Please don’t do this.

(Patlang. Tatayo si Mateo.)

MATEO
Your father was a great man. I admired him and I extended that admiration to your mother. I thought you’d inherit your father’s wisdom.

(Lalayo si Mateo sa mesa, unti-unting maglalakad palabas ng entablado.)

SONNY (mangingilid ang luha)
Please, General. Huwag mong idamay ang magulang ko. They loved this country. Minahal din sila ng Pilipinas. Kaya ako nandito ngayon. Pero hindi ko ginusto ‘to. I just wanted a normal life. Oh, Mom. If only you were still alive. (Umiiyak.) Namimiss ko ang Mommy. I miss her calming presence. Hindi ko na alam ang gagawin.

JOLLYPITT
That’s good, Sir. Magandang makita ng mga tao mamaya sa presscon na namumugto ang mata niyo. They would think you’ve been working so hard.

MAX
Makikita rin nila ang pag-aalala mo sa mga sundalo natin sa Isla Waka Waka.

JOLLYPITT
But I hope you’d never say those things in front of the cameras what you’ve said about your mom.

MATEO
Bahala na kayo. Walang pinatunguhan ang meeting na ‘to. Wala na kong pakialam kung mamatay ang mga sundalo natin sa Waka Waka. Sonny, remember this day. History will haunt you.

SONNY
General, bakit mo ako lalong sinasaktan? Ano bang kasalanan ko sa’yo? I trusted you kaya ikaw ang pinili kong maging Defense Secretary. Minahal ka ng aking mga magulang. Minahal ka naming magkakapatid.

MATEO
Ikaw ang elitista, Sonny Boy. Napaka-immature mo. You need to learn to love our country.

SONNY
The country loves us. We became a Yellow Republic because of us.

MATEO
No, Sonny. I hate to say this but this country became a Banana Republic nang maupo ka sa pwesto. Kaya puro ungguyan tayo rito.

MAX
General, please. Huminahon kayo. Maawa kayo sa Pangulo.

SONNY
I never wanted this. Mommy! Ibalik niyo ang Mommy ko.

(Patuloy na iiyak si Sonny na parang bata. Mapapatayo si Max at lalapit sa Pangulo. Kukunan ni Jonathan ng video ang nangyayari.)

MAX
Tingnan niyo ang ginawa niyo, General. Tsk. Jonathan, kumukuha ka ba ng video? Itigil mo ‘yan kung ayaw mong mawalan ng trabaho.

SONNY (yayakap kay Max)
Mommy ko.

MAX
Tahan na, Sonny Boy. Andito ang Kuya Max.

(Tatayo si Miguel at babarilin ang Pangulo. Magugulat ang lahat. Lalayo si Max. Lalapit si Mateo sa Pangulong napayuko ang ulo sa mesa.)

MATEO
He’s dead.

MIGUEL
Ang daming dada. Wala nang nangyari.

MAX
Are you out of your mind? General, you killed the President!

MIGUEL (mananatiling hawak ang baril at sa bawa’t kakausapin, itututok ito)
O, siya nga? Then install Vice Batirol as the President as the constitution states. He's a man of action.

MAX
But that’s a crime.

MIGUEL
Of course. Hayaan mong mabulok siya diyan na parang saging. Now, where are we? Oh, yes, the Waka Waka Island. We will be declaring war against Malaysia and the United States of America. Mr. Rosario, please tell the other cabinet members na patay na ang Pangulo at pwede na kayong mag-empake. Mr. Moderno, tell the Chinese government na kakampi sila ng pumalit na adminstrasyon at palayain nila ang mga sundalo natin. Do as I say because the new President will do the same.

CHRISTOPHER
But—

MIGUEL
Oh, right, you cannot do that. We’re going to arrest you. General Guinigundo, I hope you understand that this needs a cover up Vice Batirol needs to be installed as soon as possible so he can declare a war that does not need the approval of congress, and this time, we are with China. General, gumawa ka na rin ng draft ng kasunduang pagkatapos ng digmaan, hahayaan nila sa atin ang Isla Waka Waka at ibibigay natin sa kanila ang Malaysia pero sa atin din ang Tauwaya. Tawagan niyo rin ang kausap niyo kanina, tell him there’s no need to kill our men. General Merano, ihanda mo ang army at ipatatawag ang mga reserves. Sugurin ang Tauwaya, protektahan ang mga Pilipinong loyalista ng Sultan ng Sulu at atakihin ang US vessels na nasa teritoryo natin. Jollypitt, ayaw ko nang makikita ang pagmumukha mo. Jonatahan, magsama kayo ni Jollypitt at kahit anino mo, ayaw kong masisilayan. Any questions? (Patlang.) Ano pa ang hinihintay niyo? Get moving! This is our call of duty.



(Magpapaputok si Miguel. Mamamatay ang ilaw.)



Copyright 2013.

0 comments:

Post a Comment