Tirik na tirik ang araw nang suungin ni Mang Ando ang maalinsangang lansangan bitbit ang monitor ng videoke. Kailangan niyang maipagawa ito bago pa siya tilian ng pinakamamahal na unica hija. “Dahil naman dito, sisikat din si Donna. Minsan lang magkaroon ng ganoong katinding interes ang anak ko. Kung ito ba ang makapagpapaligaya sa kanya e.”
May kalahating kilometro lang naman ang layo ng pagawaan ng electronic appliances mula sa bahay nina Mang Ando. Alanganing mag-jeep pa siya. Hindi rin naman ito makalulusot sa makipot na eskinita mula Perla hanggang Angustia. Gayundin kung sasakay siya ng pedicab, baka ni sa bukana ng eskinita, lakarin na niya. Nakaya naman nang mga unang minuto ang pagbuhat niya sa monitor. Pero iba ang kalahating kilometro. Tatlong bahay pa nga lang ang nalalampasan ni Mang Ando ay nagbutil-butil na ang pawis sa kanyang mukha. Buti ay malakas pa siya kahit na nasa kwarenta'y dos anyos na.
“Pa, sa pagkanta ako sisikat. Ako ang susunod na magiging Charice Pempenco,” minsang sabi ng walong taong gulang na si Donna nang mapanood sa telebisyon ang international singing sensation.
“Ayaw mo munang maging Sarah Geronimo muna, Anak?”
“Papa, mangangarap na nga lang ako, siyempre 'yung mataas na.”
“Magaling ka na bang kumanta?”
“Sobrang galing daw sabi ng mga kaklase ko. Kaya Pa, bilhin mo na 'yung bidyoke nina Mang Eyo.”
Mga ilang ulit naging ganito ang eksena ng mag-ama kaya isang araw, mula sa naipong abuloy sa pagpapalibing sa asawa at dagdag na sweldo ng akinseng iyon, binili ni Mang Ando ang videoke ni Mang Eyo. Buti na lang at may konting sira ito kaya mas nakamura siya.
“E, Papa, sira naman. Paano ako makakakanta niyan?”
“Monitor lang naman daw ang ipaaayos. Bukas na bukas din ay dadalhin ko sa repair shop sa tabing-ilog.”
Ganoon na lamang ang pagtalima ni Mang Ando. Naniniwala siyang mas madaling mapapawi ang pangungulila at lungkot ng anak sa yumaong ina nito.
“Bukas a. Kundi...”
“Oo, Anak.”
Hindi na bale ang kanyang pangungulila sa asawang namatay dahil sa pulmonya. Hindi na baleng mangutang sa mga kasamahan sa pinapasukang opisina sa Quezon City bilang security guard. Hindi na bale kung anong sasabihin ng mga kapitbahay kapag naiingayan ang mga ito kapag nagsimula nang kumanta ang anak. Naniniwala naman siyang matutuwa sila sa ganda ng boses nito.
Parang nagprusisyon sa Nazareno ang pagbakat ng pawis sa damit ni Mang Ando nang makarating siya sa repair shop. Dali-dali niyang inilapag ang monitor sa estante.
“Teka, teka,” pagpigil ng may bantay. “Dun ho sa sahig. Mababasag 'yang salamin e.”
“So... sorry. Ambigat na kasi.”
“Ano hong sira?”
“Hindi ko nga alam. Ayaw lang bumukas.” Pinahiran ni Mang Ando ang pawisang katawan gamit ang suot na damit. Agad namang tiningnan ng bantay ng repair shop ang monitor ng videoke.
“Naku, power supply. Bukas niyo na lang balikan.”
Kay bilis naman, sa loob-loob ni Mang Ando. “Wala na bang tawad? Saka pwede bang mamayang gabi na makuha? Kailangang-kailangan na kasi sa... sa party ng anak ko.”
“Dapat umarkila na lang muna kayo, mas nakamu—ay sige ho, balikan niyo na lang mamayang alas singko,” tila pagpapalit ng isip ng bantay. “Pero 800 talaga. Rush na nga ito.”
Bumalik nga si Mang Ando nang hapong iyon. Mabuti na lang at handa na niyang iuwi ang ipinagawa bago pa man makauwi ang anak galing eskwelahan. Matapos makapagbayad ay muli niyang binuhat ang monitor. Mabuti na lang at lumamig-lamig na ang hangin, mas kaunting pawis ang naipon ng kanyang damit sa paglakad pauwi. Inayos niya ang videoke. Nilinis ang salamin ng monitor, ipinatong sa kontrol, kinabit ang mga kurdon, at saka isinaksak.
“Mic test.” Saktong dating ng kanyang anak.
Hindi niya mailarawan ang kakaibang ngiting dulot nito sa anak. Gusto niyang maluha dahil lalo siyang nangulila sa asawa. “Kung makikita lamang siya ni Loring. Tingnan mo, magiging sikat na singer ang anak natin.”
Pagkababa ng bag ay kinuha ni Donna ang song book, pumindot sa videoke, at kinuha ang mikropono sa ama.
“Wrecking Ball” ni Miley Cyrus. Nasabik makinig si Mang Ando.
Mga ilang linya ng kanta ang nagpaligalig sa kanya, pagduda ang mga sumunod, at tuluyang pagbasag ng pingganin niyang puso ang kalagitnaan ng kanta. Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon ang pangarap ng kanyang anak. Hindi rin niya alam kung paano tatanggapin ang tila walang kapag-a-pag-asang sintonadong boses ni Donna.